Affiliation:
1. Surgirao Del Norte State University, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa unang baitang ng elementarya sa kalamidad at hudyat trapiko, kasama ang potensyal na epekto ng isang workbook sa kanilang pagkatuto. Ginamit ang paraang quasi-experimental at developmental, kung saan hinati ang mga mag-aaral sa eksperimental at kontrol na grupo. Natuklasan na mayroong pagkakaiba sa pag-unawa ng dalawang grupo sa kahandaan sa kalamidad at hudyat trapiko, kung saan mas mataas ang antas ng pag-unawa ng eksperimental na grupo na gumamit ng workbook. Mayroon ding makabuluhang pag-angat sa antas ng pag-unawa ng eksperimental na grupo bago at pagkatapos gamitin ang workbook. Ang mga resulta ay nagpapakita ng positibong epekto ng workbook sa pagpapabuti ng pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa kabuuan, ang pag-aaral ay nagpapakita ng potensyal na benepisyo ng aktibong partisipasyon sa pag-aaral at ng paggamit ng supplementary materials tulad ng workbook sa pag-unlad ng mga kasanayan ng mga mag-aaral sa kalamidad at trapiko